Friday, February 19, 2010

Republika ng Pilipinas
Dibisyon ng Lungsod ng Antipolo
Distrito II-A
Mababang Paaralan ng Juan Sumulong
Pangkalahatang Pagsusulit sa Pilipino sa Ika-Apat na Baitang

Pangalan: _________________________ Baitang at Pangkat: _____________ Marka: ________

Yunit I

I. Isulat ang uri ng pangungusap ng bawat isa – pasalaysay, pautos, patanong o padamdam.

1. Saan ba naroroon ang Pagsanjan Falls?
2. Sa Pagsanjan, Laguna ito makikita
3. Mamasyal naman tayo roon.
4. Sige, sasama ako kapag natuloy kayo!
5. Ilang buwan na ang dinadala mo sa iyong sinapupunan?

II. Isulat ang di-karaniwang ayos ng pangungusap.

1. Malapit na ang “Pista ng Sto. Nino.
2. Abala sa paghahanda ang mga bata at matanda.
3. Tulong-tulong sa pagkakabit ng mga banderitas sa daan ang mga kabataan.
4. Magkahalong hirap at saya ang nadarama ng mga tao.
5. Malapit na ang pista ng San Pablo.

III. Itala ang buong simuno ng pangkat ng mga pangungusap sa gawain II.

IV. Isulat kung ang mga pangungusap ay payak,tambalan, o hugnayan.

1. Sumama ako sa kamping ng mga batang iskawt sa Baguio.
2. Madilim-dilim pa noong umalis kami sa Maynila sakay ng isang malaking bus.
3. Masayang-masaya ako dahil ito ang unang pagkakataong makita ko Ang lungsod ng mga pino.
4. Limang oras din kaming naglakbay.
5. Pagkarating ay napahinga muna kami sandali at kumain ng tanghalian.

V. Isulat kung konkreto o di-konkreto ang mga salitang nabanggit sa bawat bilang.

1. Salakot 3. Kagalakan 5.Libro 7. Ginto 9. Malungkot
2. Dambana 4. Mapagkalinga 6. Dakila 8. Mabait 10. Tanikala








Yunit II

I. Piliin mula sa mga panghalip na panao sa pangklong ang angkop gamitin sa pangungusap

1-2. Ida, linisin (ka, mo, ikaw) ang (iyong, kong, nilang) kwarto.
3-4. May pulong ang mga batang iskawt. Pinag-uusapan (nila, kanila) ang (kanilang, nilang)
5-6. Si Bb. Linda Santos ang (aming, naming) guro sa Musika. Magaling (niyang, siyang) magturo.
7-8. Ibig ni ate (Akin, ko) ang maging guro. Nag-aaral (siya, niya) ng mabuti.
9-10 Edukasyon ang (kanyang, niyang) pinag-aaralan. Nais (niyang, kanyang) maging guro.

II. Ibigay ang wastong panghalip na pananong sa pangungusap.

1. ____ kayo maglalaro ngayon?
2. _____ oras kayo magsisimulang maglalaro?
3. (kailang-kailan, Sinu-sino) ang kasama mo?
4. (Ano, Sino, Ilan, Saan) kayo sa team?
5. ____ ang hindi naglaro kahapon?

III. Magbigay ng tatlong pandiwang (gaganapin, ginaganap at naganap na).

YUNIT III

I. Magbigay ng 5 wastong pang-uri sa bawat bilang. Ilagay ang antas ng pang-uri.

II. Magbigay ng tatlo sa bawat uri ng pang- abay ( panlunan, pamanahon, pamaraan).

III. Magbigay ng 6 na pariralang pang-abay at ilagay ito sa isang pangungusap.

IV. Magbigay ng 5 pangungusap na may katotohanan at opinyon.

No comments:

Post a Comment